ang iv-einstein `95

Agosto 30, 2007 at 8:33 umaga (Tabaco National High School, class picture, high school life, musing, reminiscing)

einstein.jpg

‘Yan ang class picture ng TNHS fourth year, section Einstein, batch `95 (kasama ang mga teachers at mga opisyal ng aming beloved school). Naisip kong i-crop at lagyan ng efffects-effects ang picture para `di naman mahalata kung gaano ka-totoy at ka-nene pa kami nang mga panahong `yon. :D

Mabilis talagang lumipas ang panahon. Isang araw, first year high school ka pa lang at parang lost in space na hindi malaman ang gagawin bagaman excited din na magpakitang-gilas sa mga bagong classmates. Next thing you know, ga-graduate ka na, ayan na nga at may sinasabihan na kayo ng inyong adviser na huwag um-absent sa ganitong araw dahil kukuhanan kayo ng class picture. Hindi mo rin namalayan na nawala na ang takot (pero excited pa rin magpakitang-gilas!) at nakaipon ka na ng maraming new friends.

Life could never be as exciting as high school. It’s a transition stage from being kids to responsible adults. It prepares you to ”harsher” life in college. Sa high school din nagbo-bloom ang maraming love/puppy love stories. Hmmm… sino nga ba sa mga classmates ko ang na-link sa pinakamaring girls/boys sa school?

Masarap balikan ang buhay sa high school, `di ba? Kahit maraming terror at unpredictable na teachers, masaya pa rin ang buhay.

Hay… sana, isang araw, magkita-kita ang buong einstein `95 clan, magkakumustahan nang todo at magpa-class picture uli! :D

Permakawing Mag-iwan ng Puna